Hayaan Mo Sila Easy Piano Chord Tutorial - The World Under My Hands

Saturday, February 3, 2018

Hayaan Mo Sila Easy Piano Chord Tutorial

Hello it's been so long since my last piano cover, alam mo yun mahirap magpanggap na kunwari busy ka. ( haha ) Wow English, taray! Tagalog lang besh, so ito yung latest sa aking piano cover at tutorial na rin. Dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako maka-move on sa kanta na to kahit 2018 na, heto at gumawa at tinugtug ko ang isa sa mga kantang na-LSS na lang ako ng 'di inaasahan. Dahil din sa song na ito kaya naging munting fan ako ng Ex Battalion. Korekted by ito na nga ang walang kamatayang "Hayaan mo Sila" na palagay ko ay papatok parin kahit February dahil makakarelate ang marami. Hindi naman ako propesyunal pero gusto ko lang din ibahagi yung paraan ko ng pagtugtog gamit ang chords para makuha ang melody ng isang kanta. Atleast kahit wala kang music sheet ay makukuha mo yung mga notes na maglalaro at bubuo dun sa kanta. Ito na yun mga bes sana makatulong sa inyo.




Apat lang ang chords nito kaya madali lang kabisaduhin. Ito po ay short version ko lang din. Dahil madali lang naman siya kabisaduhin ay swak na swak lang to sa mga beginners din na tulad ko. Paulit-ulit lang din yung chords niya hanggang sa matapos. Sana ay nakatulong ang videong ito para makasabay ka sa piano habang tumutugtog sa piano mo. May ginawa din akong video nito para naman sa mga gusto itong tugtugin na walang piano. Pwede mo siyang i-visit dito --> HAYAAN MO SILA PIANO CHORDS - Ex Battalion | ( SMARTPHONE TUTORIAL ).

No comments:

Post a Comment