Dying Inside To Hold You | Short Piano Tutorial - The World Under My Hands

Monday, April 16, 2018

Dying Inside To Hold You | Short Piano Tutorial

Isa ang kantang to sa pinakagusto ko. Love song kasi siya pero masaya, kaya nga mas lalong sumikat ito sa Pilipinas noong ginawan din ng dance steps. Original ito niTimmy Thomas at muling sumikat pagkatapos magkaroon ng rendition si Darren Espanto na ginawang OST sa isang pelikula. In fairness talaga kay lodi, petmalu talagang kumanta. Kaya naman napagbuntunan ko ito ng panahon. Dahil may nagrequest, iniilagay ko na rin sa baba yung mga notes sa right hand na mga ginamit ko. Hindi po ito perfect dahil kapa-kapa ko lang ito at newbie lang din ako. :)

> > Download Dying Inside To Hold You notes < <
Inuulit ko lang na kapa-kapa lang po ito kaya nasa inyo parin kung gagamitin niyo o hindi. Pwede niyo rin laruin yung mga notes, pwede niyong dagdagan o bawasan depende sa panlasa ng inyong pandinig. Natutuwa din ako na may mga nagrerequest ng mga notes na ginagamit ko, kahit paano ay may nakaka-appreciate at higit sa lahat masaya akong malaman na gusto niyong matuto tumugtog.

No comments:

Post a Comment