My Dark Side | Sketching a Friend Edition - The World Under My Hands

Friday, July 27, 2018

My Dark Side | Sketching a Friend Edition

Just an update to my neglected world. ( haha parang di ako nagpost kahapon ah?? ) isang napakabait at napakagandang babae nanaman ang hindi nabigyang hustisya ng aking kamay. Isa siyang mabuting may-bahay nng aking kaibigan sa Youtube na kinalaunan ay mas naging close ko pa kaysa sa isa. (pareho ko naman silang friends ☺☺) Kung paano o bakit siya ang aking model sangayon ay sekretong malupet muna mula na rin sa kagustuha ng aking friendship. Back to the sketch, nagtangka akong gawin siyang Freehand kaso lang ay nagkamali ako. ( deym ) Kaya naisip kong may guidelines nalang baka sakaling makatulong din na maging kamukha niya ito. May ginawa akong video nito of how it was made ( naks english nanaman ) at ipopost ko na lang ang link kapag na-i-upload na. For the mean time, ito muna mga besh. Sorry may bayad ang lait. ( haha joke lungs.. ) Sanay na ako malait pero huwag muna ngayon please lang. ( whogoat?? )


Hahaha huwag mo ng itanong kung bakit madilim. I love dark places, yung may ilaw naman pero hindi masyadong maliwanag talaga. Pero ang totoo nagtitipid lang talaga ako ng kuryente, hahaha hallerr ang bilihin pataas na ng pataas kaya ang kurtyente mataas na. Asyuswal, hindi nanaman po siya kamukha ng akong model siyempre gawa ko kasi yan. Sa lahat ng mga iginuhit ko ay dito ako nahirapan. Struggle is real nga! Hindi dahil sa hindi naman talaga ako marunong mag drawing kundi low memory na ang cp ko. Cellphone kasi ang gamit ko sa pag video at halos one week o mahigit pa yata ako nagtanggal ng mga bulky app like facebook, messenger at kung anik anik makapag video lang. Ayaw makisama ng ram kahit yung sd ko ay puno na rin. So, ang ginawa ko, copy-paste sa lappy then bura ulet sa cp para maka video ulet.

Mahirap man pero sobrang saya ko noong matapos ko siya. Kahit di niya kamukha at may mali ako, natutuwa ako sa gawa ko. Ganyan naman ang feeling ko pagkatapos ko magsketch. Yung naiisip ko na magsisimula palang ako na parang ang hirap pero matatapos ko pala siya. Pasmpong sumpong lang din kasi ang  gana ko sa pag-guhit, hindi lang sa nakakatamad siya dahil mahirap pero madalas wala ako sa mood. Tapos dumagdag pa yung lapis ko haha, peborit ko pa naman yun Staedtler na HB kaso, nalingat lang ako sandali ( as in sandali kasi nagtimpla ako ng kape ) omygas pagbalik ko nilalapa na siya ng aso ko. ( huhu sad life, paborito niya talaga mga lapis ko ) Buti na nga lang naagapan ko pa kahit maliit na. Charcoal pencil ko ay walang kamatayang Derwent in Medium parin. Wala namang problema dahil nakakasulat naman kahit maliit na, medyo mahirap lang mag maniobra haha. So ayan lang muna sa ngayon mga besh. Hanggang sa muli! Paalam!

No comments:

Post a Comment