Another Cup of Tea ( Cordilleran Heiress Freehand Sketch ) - The World Under My Hands

Thursday, July 26, 2018

Another Cup of Tea ( Cordilleran Heiress Freehand Sketch )

Hello blog at sa mga taong nagbabasa pa ng blogs hanggang ngayon! Pasensya na at hindi na ako nagiging active dito. Simula kasi nung mahumaling ako sa Youtube at nagkaroon ng maraming friends doon ay talagang naging abala na ako. Siyempre isa parin sa naging passion ko ang paglikha ng sulatin ay hayaan niyong ibahagi ko ang pinaka huli at recent drawing ko. Upang maiba sa mga nakagawian kong iguhit na mga sikat na youtubers, naisip ko namang iguhit ang mga kaibigan ko sa Youutube. Bakit hindi? Naging kasama ko sila sa halos araw araw ng klase ko sa Youtube hahaha. Pero literal na guro ang model ko na ito. Isa siyang napakagandang guro, mabait at may malasakit. Napadalas ako sa mga livestream niya at isa rin siya sa mga naging daan para makakilala ako ng mas maraming subscribers kaya naman siya ang naisip kong pagtripan.. ( haha sorna besty )


Bumili nga pala ako ng bagong Sketch pad ng Merit ( wala lang mema lang, haha mema-share lungs ) kaya na-excite din akong gumuhit uli. Mas maganda siya kaysa sa dati kong gamit, para siyang sa Oslo bond paper. Makinis ang ibabaw at magaspang sa ilalim. Noong nag-aaral pa ako sa drafting, ganoong klase daw talaga ang ideal gamitin sa pagdrawing, sa makinis na part para pag nagbura ay madali lang at hindi naghihimulmol. So, back to my model mga bes. Hinangaan ko rin si besty Lucy or Cordilleran Heiress pati sa kanyang natural na kagandahan na hindi niya na kailangang gumamit pa ng make-up para gumanda. ( hayyyssss sana ako din. ) Simple lang siya at walang kung anik-anik at burloloy. Nakakatuwa din siya kapag panahon ng klase niya, gusto niyang ipakita na kahit anong mangyari sa buhay niya ay kailangan niyang itaguyod ang mga anak niya kahit nasa bahay lang. ( bongga di ba? ) Siyempre para maka-relate ka sa mga pinagsasabi ko, pwede mong bisitahin ang channel niya Cordilleran Heiress para happy lang! hehe

No comments:

Post a Comment