Nag-Drawing sa Cellphone | Gel Polish Nails pa more! - The World Under My Hands

Tuesday, January 23, 2018

Nag-Drawing sa Cellphone | Gel Polish Nails pa more!

Dahil wala akong magawa at mapagtripan nung araw na to, naisip kong magdrawing sa aking cellphone. Nakakaloka lang kung kailan nasa rurok ng kahabaan ang kuko ko ay saka ko pa naisip ang kalokohang ito pero siyempre nagtry pa din ako. Grabe ang hirap bes. Una sa lahat hindi talaga ako maalam sa digital art. Siguro kung s-pen ang gamit ko ay may pag-asa pa ako. Sayang nga at nahuling lumabas yung Note 8 ng Samsung, nakabili na ako ng S8. So ayun, tiis ganda ang lola mo. Halos hindi na lumalapat yung dulo ng daliri ko dahil mas nauuna pa yung kuko. haha


Anyways, sa videong ito ang aking model ay walang iba kundi ang aking all time favorite cartoon character. Siya yung madalas laman nung mga drawing pad ko dati tsaka mga sira-sirang notebook. Kapag nanunuod din kami ng mga kababata ko sa bahay, kailangan ako si Sailormoon. Kumbaga, kung kaninong bahay kayo nanuod siya dapat yung bida. haha. I-try ko ulit siyang i-drawing sa mga susunod na videos ko. Salamat nga pala sa panunuod ng walang kakwenta-kwenta kong video kung sakaling pinanood mo man. Hanggang sa muli.. i heART YOU <3

No comments:

Post a Comment