CONG TV FREEHAND SKETCH - The World Under My Hands

Sunday, August 5, 2018

CONG TV FREEHAND SKETCH

So ayun ho nuh.. wassap mga ka-PAA!! Sa wakas, finally!! Natapos ko din ma-iguhit si Cong. Matagal ko na siyang simulang iguhit kaya lang nagkamali nanaman hanggang sa hindi ko na siya natapos. Ewan ko na lang kung di mo siya kilala pero kung hindi talaga, i-search mo siya sa youtube hahaha.. Pawer! Dahil nakapaood nanaman ako ng mga latest video niya nitong mga nakaraang araw eh naiisip ko nanaman na ituloy ko yung unfinished business ko sa kanya. Gumawa na lang ako ng bago para fresh ulit sa isip ko yung mukha niya. Hindi tulad sa nakaraan kong pagtatangka, sinubukan ko naman ngayon na iguhit siya ngayon ng freehand o walang mga guidelines. Asyuswal, struggle is real nanaman ako sa pag-vivideo ng drawing session ko dahil kailangan ko nanaman maglipat ng mga files sa lappy para makapagrecord muli sa cp. Siyempre basta ako gumawa sigurado hahaha di nanaman kamukha.


Sana po magustuhan niyo kahit hindi ko kayang kunin yung perpektong modelo ni Cong. Natuwa ako sa pose niya dito, actually lahat naman ng wacky faces niya nakakatuwa talaga. Minsan nga kahit wala siyang emosyon nakakatuwa parin kaya PAWER! talaga. Ginamit ko yang image at naisip ko din na gumawa din ako ng Reading Comments pero gusto ko ay featured commets lang ang peg dahil drawing ang content ko. Bilang pasasalamat na rin sa mga tumulong sa akin sa aking paking lynntek na journey kaya nagpasyawt out ako sa video. Nakakatuwang malaman na may nakaka-appreciate ng ginagawa ko kahit hindi naman ako magaling. Kaya gusto ko na ring samantalahin ang espasyong ito para pasalamatan ang isang nagmagandang loob na regaluhan ako ng pwede kong magamit sa ginagawa ko. Thank you Santa Anonymous! Kung sakaling mabisita mo man ito, hindi ko alam kung blogger ka din pero alam ko may website ka. Thank you ng marami! Godbless sa career mo, sayo at sa channel mo

No comments:

Post a Comment