Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko Piano Tutorial | The Hows Of Us Theme Song - The World Under My Hands

Monday, September 10, 2018

Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko Piano Tutorial | The Hows Of Us Theme Song

Hello una sa lahat thank you sayo kasi nandito ka at binabasa mo ang greetings ko na ito. Nakakatats na malaman na kahit hindi ko na masyadong naaasikaso ang blog na to at may napapadaan parin. Alam mo na lahat naman tayo busy sa cyber world at totoong buhay. Matagal na rin mula noong nakapag upload ako ng piano tutorials kaya heto inabutan na lang ng pagkupas ang kyutiks sa mga kuko ko haha. Nawili din kasi ako sa Youtube live streaming kung saan pagtugtog din ng keyboard ang madalas kong ginagawa. Isa sa mga paborito kong kanta ang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" na mula sa isang batikang mang-aawit at kompositor na si Mr. Rey Valera. Marami na nga rin anng gumawa ng ibat-ibang cover ng kantang ito at nito lang ay ginamit na theme song sa pelikulang The Hows Of Us, na pinagbibidahan ng KathNiel na binigyang buhay at damdamin ng magaling na mang-aawit na si Moira Dela Torre.




Infernez naman sa movie na to ang sweet talaga ng tambalan nila. Ang lakas ng hatak nila sa madalang peepz. Kaya naman sakto rin na ito ang theme song nila at pinagpraktisan ko sa aking mga livestreaming. Dahil noobs lang ako, eh pang noobs lang din ang tutorial ko. Sa mga magtatanong ng music sheet nito ay sorry po wala. Ihahabol ka na lang yung mga notes ng right hand mga bes sa may mga gusto lang. Pagpasensyahan niyo na lang talaga ang kamay ko, hindi talaga ako biniyayaan ng magandang  kutis. Sinusulit ko din yung nail polish ko haha kahit inaagnas na sa daliri ko ay keri lungs. Kung nagustuhan mo ang simpleng tutorial ko na ito ay mag-subscribe ka na rin sa aking Youtube channel --> Lynntek. Salamuch!

No comments:

Post a Comment