Anne Clutz Sketch | Konting Kembot pa! - The World Under My Hands

Saturday, January 13, 2018

Anne Clutz Sketch | Konting Kembot pa!

Ito nga pala si lodi na petmalu pagdating sa mukap ( make up ). Isa siya sa mga Youtuber Make up Influencer dito sa Pinas. Simula nung mapanuod ko yung mga make up tutorials at reviews niya ay nagsimula na rin akong mahumaling sa panunuod ng vlogz. Actually, yung mga ganyang tema hindi ko talaga yan pinapanuod kasi music lang talaga ang habol ko sa Youtube. Kung hindi music, mga videos sa mga aso malamang dahil dog lover ako. Infairness kay Anne ok siya talaga mag review, makatotohanan at detalyado at pati yung actual na application nito sa face mo, yung feeling etc. Akala ko dati mga artista lang gumagawa nito pero parang mas ok din pala kapag kahit hindi artista kasi nakakarelate ka talaga.




May time kasi na parang nagiging bias yung artista sa mga ineendorse nilang produkto siyempre alam na dis. Tsaka transparent si Anne kapag yung product ay sponsored at sinasabi niya talaga kapag di niya bet yung product. So ayun, dahil madalas ko siyang panuorin ay naisip kong iguhit ko siya. Sinubukan kong iguhit siya ng may guidelines para kahit paano ay maging kamukha niya pero talagang lapastangan ang kamay ko. Marami-rami pa kaming pagsasamahan ng aking Staedtler at Derwent Charcoal pencil. Speaking of charcoal pencil na ginamit ko, mas ok siya kaysa sa previous na nagamit ko. Mas madali siyang ilapat at iguhit sa papel. Hindi siya yung parang kandilang madaling nauupos kapag pinang-guhit mo na. Mas nako-control ko din dito yung diin ng kamay ko. Madiin talaga ako magdrawing, kahit sa pagsulat. Yung tipong yung babakat talaga sa 2-3 pages sa ilalim ng papel yung sulat. Tapos may time na parang may carbon copy na kasi matinta yung ballpen. Kaya gumagamit ako minsan ng pantakip para hindi siya bumakat. Dinagdagan ko na rin ng touch of lettering para malaman ko kung marunong pa ako haha. Well, sana maenjoy mo tong video ko, huwag mo na lang pansinin yung kamay ko dahil talagang hindi siya nakaka enjoy tingnan haha. Thank you! :)

No comments:

Post a Comment