Freehand Self-Portrait - The World Under My Hands

Wednesday, January 10, 2018

Freehand Self-Portrait

Dahil mahilig akong mag-selfie ay naisip kong iguhit ang sarili ko. Hilig ko ang gumuhit pero ang pag guhit ang walang hilig sa akin. Kaya ito ang naging produkto ng aking lapastangang kamay. Isa sa mga hiling ko ay maging mahusay sa freehand sketch, yung  walang guidelines at wala ng keme-keme. Pero malabo pa yata sa tubig na iniinom ko ang katuparan nito haha, anyways kahit pangit ang kinalabasan natutuwa naman ako dahil hindi naman ito malayo sa katotohanan haha ( na pangit talaga )..

Sa tuwing gumuguhit ako, kung hindi man siya kamukha ng model eh minsan parang pinabatang version siya. Asyuswal kapag ako ang nagdrawing ay epic failed talaga hahaha.

No comments:

Post a Comment