MEET my X | Bosx1ne Freehand Sketch - The World Under My Hands

Tuesday, January 23, 2018

MEET my X | Bosx1ne Freehand Sketch

Dahil isa ako sa mga nilamon na ng sistema ng Ex B o Ex Battalion, kasabay din nun ang pagkahumaling ko kay Mark Maglasang. Siya ang pinaka kras ko sa Ex B. Actually lahat naman sila kras ko, type ko yung rap skill nila pati yung flow. Dahil madalas ko din patugtugin ang LSS ko na Hayaan mo sila by Ex Battalion, hindi ko napigilang i-drawing si Bosx1ne. Freehand mode muna ako dito at ito na nga ang kinalabasan.


Kung hindi mo siya kilala ay panuorin mo ang video ko. Sobrang sikat ng kanta nila kaya ewan ko na lang kung hindi mo pa ito naririnig. ( saang kweba ka nagtago bes? ) Dahil sumikat ito dumami ang mga nagcover ng kanta nila at pati dance challenge meron din. Kung anu-ano nga ring mga parody ang nagsulputan na kung saan-saan mo to maririnig, at yung iba sinabi pang cancer song at epidemya. Maganda naman kasi yung kanta para sa akin, madali siyang sabayan at ok yung beat at melody. Kaya hayaan mo na lang din ako mag-ilusyon! haha

No comments:

Post a Comment