Daddy Yankee Freehand Sketches - The World Under My Hands

Saturday, January 13, 2018

Daddy Yankee Freehand Sketches

Noong una kong magustuhan ang Despacito na song naging crush ko agad si Luis Fonsi, kaya pinakinggan ko ito hanggang matapos. Sikat na sikat kasi to sa Smule kaya na-intriga ako. Mahilig ako sa reggae kaya medyo nagustuhan ko ang tunog nito kahit di ko maintindihan tapos napansin ko yung lalakeng nag-rarap, siya si Daddy Yankee. Nagalingan ako sa rap style niya kaya sinearch ko siya at nalaman kong siya din pala yung kumanta ng 'Gasolina' na dating pinapatugtog din dito sa Pilipinas. Hayun, mas naging kras ko na siya kasysa kay Luis Fonsi kaya naisipan ko siyang iguhit.



Sa pagkakatanda ko, ito yung kauna-unahan kong video na nag-sketch ako, sa kasamaang palad naisip ko lang siya i-video nung nasa kalagitnaan na ako ng drawing kaya yung pinakasimula ay hindi ko na-video-han. Asyuswal hindi nanaman siya kamukha. Natatawa ako habang pinapanuod ko to, lalo na yung mga nagkakamali ako. Nakailang burahan ako. Naisip ko din na masaya din pala kuhaan ng video kung paano ka gumuhit at magkamali dahil parang oras at alaala din ito na hindi mo na pwedeng ibalik.

Sayang mali ako sa cap niya, nahirapan akong remedyuhan. Ito rin ang muling pagkakataong gumamit ako ng charcoal pencil pagkatapos ng ilang taon na hindi ako nakagamit nito. Hindi ko pa talaga ito gamay at hirap akong kontrolin ang diin ko sa pag guhit kaya pag nagkamali hirap na hirap ako magbura. Anyways sana ma-enjoy mo siya kung sakaling pinanuod mo or kung papanuorin mo pa, salamat! :)

No comments:

Post a Comment